EB sa LA palabas na

Mapapanood na ang pabuloso at sinaksihan nang mahigit 7,000 katao - ang Eat Bulaga Los Angeles Grand Fiesta ngayong Sabado,  na pinagdiwang sa Los Angeles Sports Arena sa Los Angeles, California, USA noong July 19.

Kaabang-abang ang bawat production number na ninamnam ng audience na karamihan ay mga Pinoy lalo na ang opening number na pinangunahan ng walang kupas sa pagkanta at pagpapatawa na sina Tito, Vic & Joey.

Bago nga nagtapos ang  engrandeng palabas ng  Eat Bulaga, idineklarang Eat Bulaga Day sa Los Angeles, California tuwing July 19 at ang certificate na iginawad ni Sen. Leland Lee, Assistant President Pro Tempore ay masayang tinanggap nina Tito, Vic and Joey!

Show comments