^

PSN Showbiz

Snooky sawa nang mag-inarte

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Happy naman ako dahil parang nalam­pasan na ni Snooky ang mga unos na sa­bay-sabay yatang dumating sa kanyang buhay.

Ngayon ay tahimik itong nabu­buhay na masaya kahit parang nagsisimula siyang muli, dahil kasama niya ang kan­yang dalawang anak. Isinaisantabi muna niya ang mga bagay na may kinalaman sa kanang puso at naka-focus  ngayon sa kanyang career.

“Nabigyan na ako ng second chance, sisirain ko pa ba naman muli ang pagtitiwalang ibinigay sa akin ng GMA7? Matanda na ako para mag-inarte. What I want to lent. Mabubuhay ko ng maganda ang mga anak ko kapag hindi ako nag-inarte. Di ko kailangang maawa pa, magagalit si Lord dahil binigyan nga niya ako ng talent na maaari kong gamitin,” sabi ng napakaganda pa ring artista na  kasama sa Kaputol ng Isang Awit bilang ina nina Lovi Poe at Glaiza  de Castro.

* * *

Salamat naman at tinatanggap si Rayver Cruz bilang bagong ka-loveteam ni Maja Salvador. Napaka-understanding  ng kanyang mga fans, naintindihan nila na wala na sa kamay ng young actor ang desisyon na magbago ng kapareha. Desisyon na ito ng ABS-CBN para mapaunlad ang kanilang mga careers ni Shaina Magdayao. Aba nakita ko itong nakikipag-kissing scene  kay Piolo Pascual pero, meron din daw kissing scene sina Maja at Rayver. Tama ba ako?

* * *

Buti naman at may album si Maegan, anak ni Ka Freddie Aguilar, sa Dyna. Isa si Maegan sa pinaka-talented na batang nakita ko. Sayang nga lamang at hindi kasing-suwerte ng kanyang ama.

Matagal na ring wala sa eksena si Maegan although hindi naman pala ito tumigil sa pagkanta. With her new album madalas na naman natin siyang makikita.

May suggestion ako kay Ka Fredidie. Kung talagang gusto mong itulak ang career ng anak mo, bakit hindi mo ipa-revive sa kanya ang mga kanta mo? Bagay sa kanya ang Anak o maski na yung Bulag Pipi at Bingi. I’m sure mabu-boost ang career niya.

AKO

BULAG PIPI

ISANG AWIT

KA FREDDIE AGUILAR

MAEGAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with