Balik showbiz si Barang

Naninibago sa kan­yang pagbabalik ang ex-konsehalang si Barbara Milano, sa TV drama na Triple K, Krusada Kon­tra Krimen bilang kapa­reha ni Mon Confiado na pinangungunahan ni Joel Torre.

Maaga pa’y nasa set na si Barang, para si­lang nag-reunion ni Mon dahil nagkasama sila noon sa Virgin People 3 directed by Celso Ad Castillo. Mag-asawa ang role  nila at napa­ba­yaan ang anak, kaya’t nabilanggo dahil naging adik. Nabilanggo rin si Mon, dahil may mga ano­­malyang ginawa.

Mabuti na lang, balik-showbiz si Barang. Tat­long taon siyang nag­sakripisyo para sa pu­litika. Sayang ang mga  alok niyang tina­nggihan noon dahil akala’y ma­hal siya ng mga kaba­bayan. Hindi pala!  —VIR GONZALES

Show comments