Martin, concerned pa rin kay Pops!

Kahit pan­saman­ta­lang hiwalay sina Den­nis Padilla at Mar­jorie Barretto ay araw-araw pa rin silang nag-uusap, araw-araw ding dinada­law ni Dennis ang kan­yang mga anak na ka­sama ni Marjorie.

Patuloy ang panunu­yo ni Dennis sa asawa na sila’y magkabalikan pero kung hindi na uma­no ito mangyayari, gusto niyang pasalamatan ang (dating) asawa sa 14 na taon nilang pag­sa­sama at sa pag­bi­bigay sa kanya ng ma­gagandang anak.

“Isang mabuting asa­wa at ina si Marjorie and I thank her for that,” ani Dennis.

* * *

Kung masaya nga­yon si Martin Nievera sa piling ni Katrina Oje­da at ng kanilang sup­ling na si Santino  Mar­tin Nie­vera, masaya rin ang concert king para sa kanyang ex-wife na si Pops Fer­nandez dahil alam ni­yang ma­saya ito nga­yon sa kan­yang buhay.

Dumating si Martin sa Pilipinas kamakailan lang at isinama niya pabalik sa Las Vegas, Ne­vada ang kanyang second son na si Ram para magbakasyon.  Hin­di nakasama ang kanyang panganay na si Robin dahil meron itong mga commitments dito.

Sa kabila na matagal nang hiwalay sina Mar­tin at Pops ay con­cern pa rin ang concert king sa kanyang dating mi­sis. Open din umano ang kanilang komuni­kasyon sa isa’t isa lal­o na pagda­ting sa kani­lang dalawang  anak.

“We’re  the best of friends now,” bulalas ni Mar­­tin.

* * *

Personal: Belated hap­py birth­day sa aking yu­maong ama na si Bo­nifacio Amo­yo nung May 26, sa aking ka­pa­tid na si Mely Amoyo nung May 30 at sa aking inang si Nanay Ma­ling Amo­yo nung  May 30.

* * *

<a_amoyo@pimsi.net>

Show comments