Concerts ni Christian sa US, ayaw panoorin ng mga Pinoy!

Halata mong pikon na pikon si Gladys Guevarra dahil ginagamit daw siya sa mga gags ni Janno Gibbs lalo na sa kanyang mga shows sa telebisyon. Pero tama rin naman ang sagot ni Janno, nagkaroon ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa, at siya naman ay isang komedyante.

Dinadaan na lang niya sa comedy ang tsismis para nga naman sabihing hindi totoo ‘yon. Maliwa nag ang sinabi ni Janno na hindi naman daw niya inaakalang maaapektuhan si Gladys dahil in the first place, komedyante rin naman siya (Gladys) at iniisip niyang naiintindihan nito na nagpapatawa lang naman siya.

Pero talagang pi kon si Gladys na nagsabi pang mabuti nga raw at aalis siya, dahil kung hindi, baka kung ano pa ang nasabi niya kay Janno. Umalis nga si Gladys papuntang US.

Sa kaso naman ni Janno, sinabi noon na kung iisipin mas matindi pa nga ang ginawa sa kanya ni Gladys.

Noong magkaroon ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa, si Gladys pa mismo ang nagsabi sa telebisyon na hindi siya kundi ang member ng EB Babes, na si Lian, ang niregaluhan ng stuffed toy ni Janno. Kung iisipin nga naman, sino ba ang nakakaalam noon? Pero, dahil sa sinabi ni Gladys, kumalat pa yon at marami pa ang nakapag-isip ng hindi maganda.
* * *
Ang kaibigan naming si Tony Vizmonte brought us the bad news, flop daw ang show ni Christian Bautista sa Grand Theater sa Los Angeles. Mga 200 lang daw ang tao sa 1500 seater na venue. Iyon din daw show ni Christian sa San Diego, flop din dahil siyam na rows lang ang may tao.

Hit daw si Christian noong mag-show doon kasama si Kuh Ledesma, pero ngayon na ang kasama niya ay sina Rachelle Ann Go at Raymond Manalo, super flop talaga ang kanyang palabas. Hindi pa siguro talaga ready si Christian para sa mga shows na ganyan sa US.

Hindi pa naman siya ganun kakilala roon eh.

Dito na lang muna siya mag-show, baka may pag-asa pa.
* * *
Speaking of favoritism, kaya pala nilalayasan ng kanyang mga dancers ang isang manager ay dahil sa katotohanang may favoritism din sa kanyang kampo.

Hindi raw talaga parehas ang treatment dahil masyadong pinapaboran ng manager ang isa sa mga members ng kanyang dance group na alam na alam naman ng lahat na boyfriend niya. Bading kasi ang talent manager. Kaya pala madalas umiiyak ang manager na nagsusumbong na sinusulot ang dancers niya. Kasalanan naman pala niya.

Show comments