Kasalukuyang nagba-basketball ang young actor nang tawagan namin kahapon para alamin ang nasabing isyu.
"Supposedly po, 5pm ang umpisa ng show ng Dinagyang sa Iloilo, at mauuna ang stars ng GMA-7 bago ang taga-ABS-CBN. E, kaso po, na-late ang show, naging 6pm kaya ang ginawa ng organizer, alternate na lang para matapos kaagad.
"Ang backstage po ay malayo at nasa ibaba pa, kaya hindi po namin alam kung sino ang tinatawag at kung sino ang nasa stage. Bigla po akong tinawag ng staff at ako na raw ang kasunod, so nagmadali po akong umakyat at hindi ko po alam na naroon si Sunshine kasi nga itinulak na akong palabas sa stage, nagulat na lang ako naroon pa pala si Sunshine.
"Gusto ko pong umurong, kaso nakita na ako ng mga tao at nagsigawan na, wala na po akong magawa kaya kumaway na ako. Gusto ko sanang lapitan si Sunshine sa backstage, kaso wala na sila, hindi ko na nakita.
"Hindi ko po siya binastos, bat ko naman gagawin yun, e, may mga kapatid akong babae? Yun pong staff ng Dinagyang ang biglang nagpapasok sa akin sa stage," esplika ni Matt sa amin.
Pinag-aayos ng fiscal na may hawak ng kaso ang magkabilang panig para hindi na ito matuloy sa korte, pero nanindigan si Ethel na ituloy na lang ang kaso kung hindi ibibigay ang damages na hinihingi niyang P1.5M at ang monthly support na ibibigay ay P10 thousand sa dalawang bata.
Sa naganap na hearing last Monday, January 29 ay nanindigan din si Echo na hanggang five hundred thousand pesos lang ang puwede niyang ibigay since sa kanya umaasa ang kapatid na si Jeremiah. Reggee Bonoan