Minsan din kasing nag-on ang dalawa. And believe it or not, si Marvin ang first boyfriend ng actress.
Mahilig pala talaga sa bagets si Marvin. That time, 21 na siya, si Kristine, 17 years old lang. Eh ngayon, si Pauleen Luna, hes 27 at 18 si Pauleen.
Tawa lang ang reaction niya ron.
Anyway, for the first time, nag-open na si Marvin tungkol sa ina ng kanyang kambal na si Tetet Dy. Kahit kailan naman kasi, hindi nagsalita si Marvin about the mother of his twins. Wala pala talagang possibility na magpakasal sila ni Tetet dahil hindi naman nagtagal ang relationship nila. Parang casual lang, ang difference lang nagkaroon sila ng anak kaya very thankful siya. Kaka-celebrate lang ng first birthday ng kambal nila.
Basta ngayon naka-concentrate siya sa mga negosyo niya na. Next month, magbubukas siya ng bagong branch ng kanilang Japanese restaurant sa Rockwell at sa Ayala.
Doing good ang mga businesses ng actor.
Samantala, kasama pala niya sa kanyang condo ngayon ang kalalaya niyang father. Wala naman daw masyadong adjustments except minsan nagugulat pa rin siya na meron na siyang kasama sa bahay.
Annulled na pala ang marriage ng parents niya at malayo na itong magkabalikan.
To date, magiging busy ang papa niya sa negosyo. Ito na ang magiging distributor ng mga karne sa kanyang mga restaurant.
Matagal-tagal ding nakulong ang father ni Marvin kaya in a way, nagkaroon sila pareho ng adjustments nang magsama sila isa iisang house.
Anyway, mahaba naman ang role niya sa Wag Kang Lilingon pero hindi ito sign na balik-ABS-CBN na siya. Pero lumilingon pa rin siya kung saan nagsimula kahit busy siya ngayon sa mga shows sa GMA 7.
Twinbill ang Wag Kang Lilingon starring Kristine and Anne Curtis under Star Cinema.
Anyway, bahala na ang movie na Matakot Ka Sa Karma sa TV host na to.
May kanya-kanyang kuwento ang tatlo tungkol sa kanilang buhay na pinagdaanan at yun ang ating tutuklasin sa pakikipag-tsikahan ni Ricky Lo sa kanila.
Ako po yung nag-email sa inyo last October about GMA PINOY TV dito sa Middle East. Sa ngayon po ay ok na ok na ang signal at napakalinaw ng reception. Nais po naming magpasalamat sa inyo Maam Salve sa inyong pakikipag-ugnayan sa GMA tungkol sa aming problema at nagpapasalamat din po kami mismo sa pamunuan ng GMA sa kanilang mabilis na pag-aksyon.
At syempre po, maraming-maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng PILIPINO STAR NGAYON! Kayo po ang number one para sa amin dito sa Saudi Arabia.
God bless!
Chito de Guzman
chito_deguzman19@yahoo.com