Pia, di na itinatanggi si Vic

Nakakatuwa naman si Pia Guanio, buong husay niyang nalusutan yong maraming pagtatangka ng entertainment media na kornerin at pasagutin sa mga isyu nila ni Vic Sotto. Bagaman at hindi na niya itinatanggi ang kanilang relasyon, hindi rin naman niya ito sinasagot ng diretso, humihingi siya ng permiso na iba na ang pag-usapan gaya ng produkto na siyang dahilan kaya sila nagkaharap-harap nung Biyernes ng gabi.

Ito ang Pervil Magic Cream na siyang ini-endorso niya ngayon. Gawa ito ng Pervil Cosmetics Philippines na pinamumunuan ni Gng. Teresita Perez-Villanueva, isang OFW, isang registered nurse na nagtrabaho sa Saudi Arabia ng 25 taon, nung mga huling taon sa piling ng royal family. Sa tulong ng isang kaibigang dermatologist, gumawa ng sarili niyang produkto na nagpapaputi. Ito ang sinasabi ni Pia na dahilan ng pagkakaroon niya ng flawless, whiter and fairer skin.

Ang Pervil Magic Cream ang nag-iisang brand na magic cream na nabibili sa Watson’s at unang cream brand na accredited ng Mercury Drug.

Bagaman at di pa nakukumbinse ni Pia na gumamit nito si Vic. Sinabi niyang aliw na aliw ang nobyo sa mga magagandang lalagyan ng mga produkto ng Pervil Cosmetics Philippines.

Show comments