APO Jim, sa Australia na nakatira!

Nag-migrate na pala sa Sydney, Australia ang APO member na si Jim Paredes kasama ang buong pamilya nito at base sa kwento sa amin ay limang buwan palang itong naninirahan doon at naga-adjust pa sa kultura at uri ng pamumuhay doon.

Obviously, hindi na natagalan ni Jim ang palakad ng ating gobyerno na alam din namang nasa ‘kaliwa’ siya at sabi nga, if you can’t join them, beat them, so hindi niya kaya pareho, kaya umalis na lang siya.

Pero sadyang hindi pa rin siya totally makakawala sa bansang sinilangan dahil siya ang kinuhang headmaster ng 16 scholars ng Pinoy Dream Academy na ilo-launch na sa August 27 thru ABS-CBN.

Kwento sa amin ng PDA Business Heads na sina Ms. Linggit Tan at direk Laurenti Dyogi ay nahirapan silang i-convince si Jim na bumalik ng Pilipinas dahil nga nasa adjustment period sila sa Australia, but since passion talaga ni Jim ang singing ay hindi siya nakatanggi at wala raw itong kapalit na malaking halaga.

Natyempo rin dahil may tribute ang lahat ng banda sa APO this Saturday, August 22 sa SM Megamall.

Anyway, ang ibang instructor ng Pinoy Dream Academy ay sina Maribeth Bichara na siyang magtuturo ng tamang movements habang kumakanta at kung paano mag-project sa kamera.  Si Moy Ortiz naman ang in-charge sa pagtuturo ng tamang pagkanta kasama ang grupo niyang The Company.  And lastly, ang ex-PBBCE na si Gretchen Malalad na siyang in-charge naman sa fitness para sa stamina ng scholars lalo na kapag may concerts sila every Saturday.
* * *
Ngayong gabi, Biyernes ang Showgirl concert ni Vina Morales sa Araneta Coliseum at base sa ticketnet ng Araneta Coliseum ay okey naman ang benta ng tickets kumpara sa benta ng INXS concert last Tuesday night na ginamit pa ang name ni Mig Ayesa na special guest lang naman.

Say mismo sa amin ng taga-Araneta, "Okey naman ang tickets selling, aabot siya sa 2M at okey na ‘yun for a local show. Hindi naman siya mako-consider na mahina kasi tutuntong siya sa dalawang milyon and more pa kasi as of Tuesday pa itong binabanggit ko."

Well, malalaman namin ngayong gabi kung lagpas ba sa 50% ang attendance sa Big Dome. Anyway, hindi rin naman lugi ang mga manonood dahil knowing Vina kapag nag-show, talagang bigay-todo.

Special guests sina Ogie Alcasid, JayR, Shaina Magdayao at Aiai delas Alas mula naman sa direksyon ni Floy Quintos at musical director na si Butch Miraflor na produced naman ng Live Artist Production Inc.  – Reggee Bonoan

Show comments