^

PSN Showbiz

GMA, walang alok kina Jericho, Heart!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Sa first week pa ng August magti-taping si Rudy Fernandez para sa Season 6 ng Now & Forever (Linlang) pero, excited na itong magbalik-showbis. Ang afternoon soap ang first work niya after his 10-hour operation a few months ago. Magiging busy ito’t kasama rin siya sa cast ng Atlantica ng GMA-7 pa rin.

"I’m glad to be alive. Hindi pa ako kinuha ni Lord," bati nito sa amin.

Pinasasalamatan ni Rudy ang asawang si Lorna Tolentino sa pag-aalaga sa kanya. Hindi raw ito umaalis sa kanyang tabi maliban na lang kung matutulog ito. Thankful din siya sa mga anak at ibang members ng kanyang pamilya at mga kaibigan lalo na sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada at Philip Salvador.  Pasalamat din ito kay Gretchen Barretto sa pagpapadala ng pagkain at sa pagbisita nina Sharon Cuneta at Maricel Soriano.

Nasa Amerika si Rudy nang masulat ang diumano’y panghahampas ng raketa ng badminton ng daughter-in-law niyang si Melissa (wife ni Mark Anthony Fernandez) sa nakaaway nitong kalaro ng badminton kaya, walang alam at hindi nag-comment. Pero, tiniyak nitong mabait si Melissa. Natutuwa rin siyang makakasal na sa simbahan sina Mark at Melissa sa tulong ni Sen. Lito Lapid.
* * *
Isa si Lovi sa guest sa Komikonsyerto ni Ogie Alcasid na gagawin sa Aliw Theater sa August 5. Six songs ang kakantahin nito at ang sariling banda na Ichtus ang magba-back-up sa kanya. Excited at kinakabahan na ito’t alam na maraming manonood sa concert.

May alam kaming big project sa TV na kino-consider kunin si Lovi. Tiyak na makakatulong sa kanya kung matuloy siya rito at mukhang interesado ang dalaga kung maa-assure siya na di maaapektuhan ang kanyang pag-aaral.
* * *
Kay Angeli Pangilinan-Valenciano namin inalam ang totoo sa isyung may offer ang GMA-7 kina Heart Evangelista at Jericho Rosales na hindi raw tinanggap ng dalawa’t loyal sila sa ABS-CBN. Itinanggi ito ng isang executive ng Ch. 7 kahit may nag-float na tsika na magmi-meeting na ang dalawang kampo.

Kaya lang, hindi rin kami naliwanagan sa sinabi ni Angeli’t may kalabuan. Ang naintindihan lang namin ay sinabi raw ng Ch. 7 na anytime na lang na ready si Heart to work with them ay open sila. Eh, hindi nga ito magiging ready dahil walang balak iwan ang Ch. 2.

Binanggit din ni Angeli na yung meeting nila ni Wilma Galvante na nakita ay para kay Donita Rose at sa pagre-renew nito ng kontrata sa Mobile Kusina.
* * *
Nagka-pirmahan na pala ng kontrata ang GMA-7 at si Carlo J. Caparas para sa Bakekang noong Thursday morning. Ang komiks novela na sinulat ni Direk Carlo ang next big project ng network at siya rin ang tatayong creative consultant nito.

Walang kumokontra sa pagkakapili kay Sunshine Dizon to play Bakekang dahil alam na nito ang mabibigat na eksena. Pati ang press, excited malaman kung pangit din ito sa istorya at kung gagawing fantaserye ang treatment sa project.

May mga concerned din na sana raw ay magpapayat si Sunshine bago simulan ang taping dahil mas kapani-paniwala siyang si Bakekang kung payat. Napapansin kasing tumaba na naman ito sa Captain Barbell. Gusto naming ipaalam na nagsimula nang mag-diet at magpapayat ang dalaga kaya, payat itong haharap sa kamera sa taping ng Bakekang.

vuukle comment

ALIW THEATER

ANGELI

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

BAKEKANG

CAPTAIN BARBELL

CARLO J

DIREK CARLO

DONITA ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with