^

PSN Showbiz

Lumalabas na ang ibang talino ni Sheryn

- Veronica R. Samio -
Inamin ni Sheryn Regis na mas marami siyang libreng oras ngayon. Dadalawa ang kanyang regular shows sa TV, ang ASAP at ang pagiging host ng Little Big Star sa Cebu na kung saan every week ay pumupunta siya ng Cebu para sa taping nito.

"Isang araw kaming magti-tape tapos, isang linggo na itong episode sa TV," sabi ng magandang singer na hindi naman nawawalan ng offers to sing, kung di dito sa atin ay sa abroad. Kararating lamang niya ng Zamboanga na kung saan ay nagkaro’n sila ng show ni Erik Santos. Sa September ay pa-Guam naman siya kasama ang Cueshe.

Sa July 28 ay mayro’n siyang major solo concert sa Pagcor Grand Theater Casino Filipino Parañaque. Pinamagatang The Best of Broadway and More, sasamahan siya rito ng ngayon ay nagsosolo nang si Ruben Laurente ng The CompanY at Classified Band.

Dahil marami siyang oras, nagagawa niyang ihatid sa school ang kanyang tatlong taong gulang na anak. Nakakapag-compose na rin siya ng mga awitin. Mayro’n na siyang nagawang dalawang kanta na makakasama sa kanyang 3rd album. Ito ang "Pusong Nalito" and "Within You and Me". "Promise, dadagdagan ko pa ito," sabi niya. Adding that ang husband niya ang gumagawa ng areglo ng mga kanta niya.

Kung like n’yong manood sa kanya sa petsang ito, call kayo sa Ticketworld 8919999, ticketnet 9115555 at Casino Filipino 8527758/8527752/8527754.
* * *
Ang daming natuwa na makitang umaarteng muli si Rudy Fernandez sa Season 6 ng Now & Forever na magsisimulang mapanood sa July 24 sa GMA Dramarama sa Hapon. Matatandaan na inabot ito ng matinding karamdaman at nabingit sa panganib ang kanyang buhay. Okay na ngayon si Daboy at wala ni katiting mang bakas ng kanyang pinagdaanan. Katunayan, wala sa mukha niya ang edad niyang 54. Batang-bata siyang tingnan at di mo sasabihin na meron nang mga grown-up sons.

Makakapareha ni Daboy sa panghapong palabas si Lorna Tolentino with Diana Zubiri, Alessandra de Rossi, Polo Ravales, Chynna Ortaleza at Dion Ignacio, sa direksyon ni Mac Alejandre.

Kakaiba ang Linlang, titulo ng episode, dahil tumatalakay ito sa isang May-December love affair nina LT at Polo. Bagaman at mas mahal niya si Rudy (Arman), magpapakasal ang dalawa kahit tutol ang anak ni LT (Lorena) na si Jane (Chynna). May isang trusted employee si Lorena, si Brenda (Alessandra).

Magbabago ang ihip ng kapalaran nang aksidenteng magtatagpo sina Lorena at Divina (Diana), isang empleyado sa isang gasolinahan. Magbubuhol ang buhay ng dalawa dahil papasok ang kaluluwa ni Lorena sa katawan ni Divina. Ito ang panlilinlang na gagawin ni Lorena.
* * *
May bagong dance craze ngayon na mukhang susunod sa kasikatan ng "Macarena" at "Asereje". Ito ang "Samba! Samba!" na mas madaling ma-memorize ng mga kabataan dahil sa movements nito na pabilis nang pabilis. Ikini-kembot ang mga balakang habang pinagpapalit-palit ang bigat ng katawan from side to side pero di ginagalaw ang mga paa. Habang ginagawa ito, ang mga kamay ay nasa harapan ng katawan (palms outwards) at ginagalaw sa circular motions at itinataas over the head alternately between left and right. Isa itong sayaw na ang mga kids ang in charge.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALESSANDRA

CASINO FILIPINO

CEBU

CHYNNA ORTALEZA

CLASSIFIED BAND

DABOY

LORENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with