Ginigimik ang paghihiwalay

Isang malaking gimik lang ang ipinahayag ni Angelica Panganiban na hiwalay na sila ng boyfriend na si Carlo Aquino.

Nakita namin ang dalawa na magkasama sa Dos nung nakaraang Linggo.

Nag-guest si Panganiban sa The Buzz para mag-promote ng movie niyang White Lady. Obviously na gumigimik lang ang dalawa. Hindi mo naman masasabi na aksidente lang ang pagkikita ng dalawa nang araw na yon. Hindi naman guest si Carlo. Obviously again ay sinamahan niya ang dalaga.

Naunang pumasok sa studio ang babae. Habang hindi pa ito nakasalang, buong ningning niyang sinabi sa mga host na sina Kris Aquino at Cristy Fermin na hiwalay na nga sila ni Carlo, pero nagulat na lang ang mga tao sa loob ng studio sa biglang pagdating ng binata. Kunwari, nagdedmahan ang dalawa, humalik si Aquino kina Kris at Tita Cristy, at dinedma ang katabi ng mga ito na si Angelica.

Pinigil-pinaupo ng staff ang batang aktor para panoorin-pakinggan ang interbyu kay Angelica, pero hindi pa man nakapagsalita ito ay nagpaalam na agad sabay sabing may pupuntahan pa raw.

Sinundan namin ito. Wala naman pala itong pinuntahan bagkus, nagkulong-naghintay sa dressing room ni Angelica.

May lakad pa ang dalaga at ayon sa kanyang handler na si Gerry ay magpo-promote pa ito sa Robinson’s Imus, Cavite, pero ang tagal pa nila ni Carlo sa dressing room.

"Wala pa kasi ‘yung taga-Regal na sasama sa amin," depensa agad ng handler.

Either that day, magkasama rin sina Carlo at Angelica sa ASAP 06. Nag-promote ang dalaga, pero hindi naman guest ang binata. — BOY ROMERO

Show comments