Matet, goodbye na sa showbiz!

Iiwan na ni Matet de Leon ang showbiz. Hanggang December na lang dito ang batang ina at permanente nang maninirahan sa Norway.

Mauunang aalis ang asawang si Mickey Estrada at sa Disyembre ay susunod silang mag-ina.

Walang ibang sinabing dahilan ang young actress sa pag-iwan niya sa mundong kinalakihan at bumuhay sa kanya maliban sa gusto niyang makasama ang pamilya sa tahimik na lugar.

Aminado si Matet na masakit at matagal bago siya nakapag-decide na gawin ito, maiiwan ang kanyang showbiz career at mga kapatid.

Wala raw siyang regrets sa decision niyang ito.

Ayon pa sa kanya ay uncle at auntie ng asawa, na matagal ng naka-based sa Norway ang nag-invite sa kanila para pumunta ru’n. Boy Romero

Show comments