^

PSN Showbiz

Certified virgin daw oh!?

-
Isang taong malapit kay Alessandra de Rossi ang kumumpirmang certified virgin pa ang aktres dahil gusto raw niya na kapag ikinasal siya ay buo pa ang pagkababae’t justified ang pagsuot niya ng white wedding gown.

"Kikay at malandi lang kung kumilos si Alex, pero virgin pa lola mo, kaya taas noo ‘yan sa mga naging jowa niya dahil hindi siya nakuha. Considering na mabibilis sa babae ang mga naging papa niya, tulad nina Polo Ravales at Oyo Boy Sotto at ngayon naman si Jeremy Marquez na ewan kung bakit hindi pa nila inaamin," kuwento sa amin.

Kaya nga raw madalas mag-away sina Jeremy at Alex dahil sa ibang babae raw ito umiiskor bagay na knows din pala ni Valentina.

"In fairness, okey lang sa lola mo na tsumu-tsugi sa iba si Jeremy kasi nga hindi naman niya maibigay ang gusto ng jowa, may ibang babae lang na pinag-awayan nila ng husto kasi panay ang text kay Jeremy, sexy stars sila at kasama sa sitcom na Idol Ko Si Kap at Lagot Ka, Isusumbong Kita.

"Wanna mention the namesung ‘no, bukelya na, pero ang clue, malalaki mga boobs nila as in, hayan super giveaway na ang clue," kuwento uli sa amin.

Sabagay, napansin din namin na simula nu’ng nag umpisa si Alex sa showbiz ay wala namang nabago sa katawan niya at halatang ingat siya. Totoo talaga ang kasabihan na kung sino pa ‘yung malaswa magsalita at kumilos ay siya pala itong maingat sa katawan at kung sino naman ‘yung mahinhin kuno ay siya pala ang marami nang karanasan. 
* * *
Supposedly, replay ang episode nina Kris Aquino at James Yap sa Mobile Kusina kahapon, Biyernes, pero hindi raw pumayag ang ABS-CBN nu’ng ipagpa-alam ito ng staff ng naturang programa ng GMA 7.

Tama na raw ‘yung pinagbigyan nilang mag-guest ang prime talent nila sa karibal na network.

At dahil endorser din si Piolo Pascual ng San Mig Coffee na pag aari rin ng San Miguel Corporation na siyang sponsor ng Mobile Kusina ay ni-request din ang actor na mag guest sa Mobile Kusina at sa pagkakataong ito, dinedma na sila ng Star Magic/ABS-CBN.

Hindi raw pupuwede ang actor dahil hectic ang schedules nito at higit sa lahat, tama na raw ‘yung pinayagan nila si Tetay.

Nabaliw ang staff ng Mobile Kusina dahil maski raw ang taga-San Miguel Corporation na ang nag-request kay Piolo sa Dos ay hindi rin sila pinagbigyan.

Well, huwag na tayong magtaka kung hindi na uli kukuning endorser si Piolo ng anumang produkto ng San Miguel Corporation.

Naisip naming bigla, di kaya sa bago nilang programang katapat ng Mobile Kusina na Makuha ka sa Tikim hosted by Jean Garcia at Eula Valdez paglu-lutuin sina Piolo at Tetay? Oo nga naman, may sarili na silang cooking show bakit kailangang pang mag ober de bakod. — REGGEE BONOAN

ALEX

EULA VALDEZ

IDOL KO SI KAP

ISUSUMBONG KITA

MOBILE KUSINA

PIOLO

RAW

SAN MIGUEL CORPORATION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with