^

PSN Showbiz

Nakaka-apat na bf na si Maureen!

-
Blooming na blooming ngayon si Maureen Larrazabal. Ibang-iba ang aura nito at talagang game na game siya sa interviews.

"Right now, happy naman ako sa aking career at walang problem sa lovelife ko. Although, I’m 29 years old na pero, wala pa rin akong asawa. Gusto kong relationship, yung free flowing," anang sexy star.

Nakaka-apat na boyfriend na pala si Maureen at seryoso siya sa pagsasabing iba-iba ang katangian ng mga naging karelasyon niya. Merong tumagal ng limang taon, at dalawa sa naging boyfriend niya ay tumagal naman ng dalawa at kalahating taon.

"Kasi ako I really consider sa relationship yung karakter, beliefs at views in life. May pagka-realistiko kasi ako. I would be a hypocrite if I tell you na ‘virgin pa ako.’ Liberated ako pero I don’t sleep around. I’m not like that. Mas gusto ko pa rin yung serious relationship," sabi ni Maureen.

"My first priority in life ay yung family ko. Meron akong dalawa pang kapatid na pinag-aaral. Isa sa La Salle at isa sa Miriam College. I’m the breadwinner too! Kami ng mommy ko, grabe ang bonding namin. Magkasama kaming mag-shopping. Supportive siya, hindi stage mother at hindi showbiz. Kaya paano ako makakapag-asawa agad-agad? Meron pa akong apat na yaya na sinu-swelduhan. Wala akong manager kasi ayaw ko ng mga problema tungkol sa pera at komisyon!

"Kahit paano, financially stable naman ako. Hindi ako nawawalan ng mga corporate at provincial shows."

Proud si Maureen na at the age of 13 ay independent na siya. Ang mga pelikulang Ekis at Unfaithful Wife 2 ay mga pelikulang naging markado sa kanyang pag-arte sa puting-tabing.

"I come from a family of beauty queens. My mom Anna Marie Larrazabal was formerly Ms. Cotton Republic and my aunt (Angela Larrazabal) was Bb. Pilipinas 1987. Ako lang ang lumihis ang career at napunta sa showbiz," lahad pa ni Maureen.

Graduate pala si Maureen ng Fashion Designing at Masscom sa St. Paul’s QC. Mainstay siya ng Bubble Gang, Lagot Ka, Isusumbong Kita at host sa Smart Buddy Choose Your Dream Contest na napapanood sa GMA Kapuso Netwrok. – BONI A. CASIANO

AKO

ANGELA LARRAZABAL

ANNA MARIE LARRAZABAL

BUBBLE GANG

DREAM CONTEST

FASHION DESIGNING

ISUSUMBONG KITA

KAPUSO NETWROK

LA SALLE

MAUREEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with