Nagkapalit ng mukha sina Raven at Teri

Tiyak na sasakit ang tiyan ng mga manonood ng sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita. Paano’y magkakapalit ng mukha ang 30 Days finalist na si Raven Villanueva at ang komedyanteng si Teri Onor.

Nilimusan ni Romeo (Teri) ng isang itlog ang isang pulubi. Bilang gantimpala ng pulubi ay binigyan niya si Romeo ng isang pares na high heel shoes na pag sinuot niya’y magiging byuting babae siya (Raven Villanueva). Pero ang pagpapalit ay tatagal lang ng 30 minuto.

Dumating si Brgy. Kuli-Kuli ang suitor ni Toni (Gonzaga) na si Diego Castro. Nang makita ni Diego si Raven ay naakit siya at ito ang pinormahan. Habang kausap niya ang babae ay bigla itong tumakbo (dahil malapit na ang 30 minutes). Naiwan nito ang isang sapatos at hinanap ni Diego ang may-ari. Hindi na maisusuot ito ni Romeo dahil binawi na ng pulubi ang kapares. Pero happy ending pa rin dahil pinayagan ng pulubi na makabalik si Raven dahil labs niya si Diego.

Ang iba pang members ng Lagot Ka ay sina Joey Marquez, Richard Gomez, Benjie Paras, Raymart Santiago, Pilita Corrales, Vangie Labalan, Nancy Castiglione, Maureen Larrazabal at Alicia Mayer. Kasali rin si Bearwin Meily na sa segment na "Tom on the Road" ay magpapakita ng nakakatuwang magic.

Napapanood ang Lagot Ka tuwing Lunes ng gabi matapos ang telenovela series ng Kapuso network sa direksyon ito ni Boyong Baytion.

Show comments