Sex Bomb, tinaguriang mangarate

Dapat mag-ingat ang mga gustong manghipo sa grupong Sex Bomb. Ilang beses nang naka-encounter ng ganito ang grupo – binabastos na nga sila, hinihipuan pa. Minsan naman ay sa sobrang tuwa ng isang lalaki ay talagang hindi ito nagpaawat na hipuan ang isang member ng Sex Bomb.

Subalit kaunting ingat dahil ilan pala sa Sex Bomb ay marunong mangarate, kaya’t pwede silang mabalian. Kailangan daw kasi ito kaya’t nagpaturo sila para sa self-defense. Mabuti ito dahil kahit paano, may protection sila sa mga bastos na mahilig manghipo.

Karaniwan kasi, kapag may pistahan silang napupuntahan, kung bakit hindi nawawalan ng lasing. Dahil wala sa sarili, kalimitan nambabastos ng mga bisita. Dito minsan nagagamit nina Rochelle, Jopay, Weng, Johan, Che che, Aira at Monic ang abilidad sa pangangarate. Kabilin-bilinan nga ng kanilang manager na si Joy Cancio, mag-iingat sa lahat ng oras.

"Mababait naman kami sa kanila. At ganun din naman ang tagahanga. Ewan nga lang, kung bakit nahahaluan ng ilang mapagsamantala. At ngayong marunong na silang mangarate, kahit paano, may pagkakataon na silang gumanti. — Vir Gonzales

Show comments