'S-Files' nasa hot water ngayon dahil sa pagpapalabas ng lesbian wedding ni Elaine Crisostom

Naloloka na naman ang staff ng S-Files dahil nakatanggap na naman sila ng memo mula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) dahil kinober nila ang lesbian wedding ni Elaine Crisostomo sa bago nitong girlfriend named Ava.

Ayon sa staff ng GMA 7 ay tinanggihan na nga raw ito ng mga bossing na ikober ang naturang event dahil hindi pa tanggap ang ganitong relasyon sa Pilipinas at baka mag-react ang MTRCB (nag-react na nga).

Pero sadyang makukulit daw ang taga S-Files dahil malaking istorya ito at para hindi sila mahuli sa isyu, inilabas pa rin nila! Ending pinapag-report sa opisina ng MTRCB ang staff ng programa at legal cousel ng GMA 7.

Bukod sa lesbian wedding ay tila may problema na naman uli ang naturang ahensiya ng gobyerno kay Ethel Booba sa ibang programa naman.

E, ‘yung ginawang pregnancy test kay Mahal na ‘pinaihi’ sa baso on camera, hindi ba yun sisitahin ng MTRCB?— Reggee Bonoan

Show comments