^

Masculados, humahataw

() - September 29, 2003 - 12:00am
Noon, bihira tayong makakita ng mga mananayaw, babae man o lalaki na pinagkakaguluhan. Kapag dancer, solo o grupo, tiyak na pang-background lang ng mga pangunahing performers.

Iilan lang ang tanda naming sumikat na artista na ang ginawang pasaporte ay ang galing sa pagsayaw. We remember the Comedy King Dolphy, Bayani Casimiro, Chiquito, Jun Aristorenas at Billy Castellvi, to name a few.

Nand’yan ang tambalang Pancho Magalona at Tita Duran, sina Nida Blanca at Nestor de Villa, mahusay sa pag-arte at magaling pang sumayaw. Ilang dekada rin silang namayagpag sa mga musical films at hanggang ngayon, idolo pa rin sila ng ating mga magulang.

Ngayon, nag-iba na ang kalakaran sa local showbusiness. Naging phenomenal ang success ng grupong Sex Bomb Dancers, an all female ensemble. Pinasikat sila nina Vic Sotto at Joey de Leon ng di matinag-tinag na noontime show ng Siyete, ang Eat Bulaga.

Hindi lang mga babae ang kinagigiliwan ngayon ng Masang Pinoy kundi maging ang grupo ng kalalakihan na Masculados. Kamakailan ay nag-gold na ang album nila. — Ben Dela Cruz

BAYANI CASIMIRO BEN DELA CRUZ BILLY CASTELLVI COMEDY KING EAT BULAGA JUN ARISTORENAS MASANG PINOY NIDA BLANCA PANCHO MAGALONA SEX BOMB DANCERS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with