Malayo na ang narating ni Anna

Ano kayang meron ang Cebu at nakakapag-produce ito ng mahuhusay na mang-aawit? Nariyan sina Pilita Corrales, Dulce, Vina Morales, Manilyn Reynes, Luke Mejares at marami pang iba. Lately, may isa na namang Cebuana ang unti-unting pumapaimbulog sa larangan ng pag-awit, si Anna Fegi.

Hindi ikinakaila ni Anna na ang kanyang first love ay pagsayaw pero palibhasa’y nagmula sa pamilya ng mga mang-aawit, nabaling ang kanyang interes at atensyon sa pag-awit.

Mula sa kanyang mga magulang at sa kanyang anim na mga kapatid, lahat sila ay may singing talent. Ang naging kaibahan lang niya sa iba niyang mga kapatid, nag-focus siya sa pagiging isang professional na mang-aawit.

Second year college siya ng masscom nang tumigil sa kanyang pag-aaral upang pag-ukulan nang husto ang kanyang singing career.

Seventeen years old siya nang mapasama sa ikatlong batch ng Smokey Mountain.

Hanggang napasama si Anna sa Centerfold Band sa loob ng tatlong buwan. Napasama rin siya sa Japanese production ng Hair na ginanap sa Japan. Ang iba pa niyang theater experiences ay ang Jesus Christ Superstar ng Atlantis Production, ang Rent na ginanap sa Singapore. The Rocky Horror Show at ang Dreamgirls.

Show comments