Masamang Ugat sina Eddie, Victor at Ace

Ang Masamang Ugat ay kuwento ng dalawang magkapatid na sina David at Angelo na pinaghiwalay ng mga hindi inaasahang mga sitwasyon sa kanilang buhay. Si David ay isang hitman samantalang si Angelo ay isang police officer na nagtatrabaho para sa NARCOM. Iisa lang ang kanilang target at iyon ay ang itumba ang isang mastermind ng isang shabu factory ang nagpapanggap bilang isang herbal farm na pinamamahalaan ni Ismael Valdez. Ang naturang shabu factory ay pinapatakbo ng isang kinikilalang Apo Roman na nagkataong ama pala nina David at Angelo. May anak si Apo Roman na si Darwin na lumaking notoryus tulad ng kanilang ama at ng mga tauhan nito.

Si Ace Vergel, si David, ang presidential son na si Mikey Arroyo ay si Angelo at si Victor Neri naman si Darwin, ang half-brother na walang pakialam sa pagiging magkapatid at gusto’y pumatay na lamang.

Kasama rin sa pelikula sina Al Tantay bilang ang mapagsamantalang si Ismael, Vanna Garcia bilang si Liezl, ang bulag na anak ni David na kinidnap ni Darwin, Viva Hot Babe Gwen Garci bilang si Gina, ang sexy at liberated girlfriend ni Darwin na may ginintuang puso at si Maui Taylor bilang si Lara, ang love interes ni Angelo na isang club dancer na ang ama at kapatid ay nagtatrabaho sa shabu factory.

Mapapanood na ang Masamang Ugat ngayong May.

Show comments