Otel sa Ortigas ginagawang rendevous ng mga artista

Nagiging paboritong hideout ng mga magkaka-partner na celebrities, na ang karamihan ay mga artista, ang isang otel sa Ortigas Center.

Kamakailan ay nakita sa 27th floor nito ang magka-on na artista, isang balikbayan na dating gf ng isang anak ng artista at ang nobyo niya na isa ring aktor at dating ka-on ng isang kasamahan nito sa isang TV network.

Pati na ang seksing aktres at ang idini-deny niyang lover na isang pulitiko ay nakikita sa nasabing otel tuwing madaling araw.

Yung kabataang bagets na sinasabing hiwalay na ngayon ay madalas ding magpunta sa nasabing lugar.
*****
Balitang naglasing ng husto si Jordan Herrera nang lumabas ang interview sa diumano ay lover niya na si Jojit de Nero sa isang show ng ABS-CBN.

Di naman nakapagtataka na magkaroon siya ng ganitong reaction, totoo man o hindi ang mga pronouncements ni Jojit.

Yung tsismis lamang tungkol sa kanilang dalawa ay nakaapekto sa kanya ng malaki, yun pa kayang pag-amin ni Jojit ang hindi?

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ginawa yun ni Jojit eh alam naman niya na makakasira yun sa career ng lalaking sinasabi niyang mamamahalin niya hangga’t kailangan.

Pero, marami naman sa nakapanood ng interview ang nagsasabi na makakaapekto ang ginawa niya kay Jordan pero, hindi makakasira.
*****
Bukas na ang FAP awards night. Gaganapin ito sa UP Theater simula sa ika-7 n.g. Ang parangal ay katumbas ng Oscars ng Hollywood. At sana katulad ng Oscars ay maraming artista ang dumalo at magpa-bongga, huwag yung mga nominado lamang at participants sa presentation. Ipakita sana nila na sa kabila ng mga kaguluhan sa ating bansa at sa buong mundo, nagkakaisa sila.

Hosts sina Pops Fernandez, Dingdong Dantes, Boy Abunda at Lorna Tolentino. Trivia host si Vilma Santos at mga anchors sina Dina Bonnevie at Paolo Bediones.

Vying for Best Picture are Batas ng Lansangan, Dekada ’70, Diskarte, Kailangan Kita at Lapu Lapu at ang mga artista, direktor, at staff ng mga nasabing pelikula.

Ang mga namumuno ng FAP ay sina Esperidion Laxa, chairman; Leo Martinez, director general; Arsenio Boots Bautista, deputy dir. gen. for finance and treasurer; Jesse Ejercito, deputy gen. for admin.; Manny Nuqui, exec. sec. at Boots Anson Roa, Mowelfund exec. dir.

Show comments