Paolo Montalban, tumanggi sa alok ng Siyete at Dos

Isa sa pinaka-latest Pinoy performer na nagkaroon ng spectacular project sa Walt Disney sa Hollywood ay itong si Paolo Montalban. Pinakahuling project nito ang Cinderella ng pamosong Rodgers & Hammerstein. Kuwento ito ng isang prinsipe, kalabasa, glass slipper…. at kasaysayang punung-puno ng romansa at fairy tale. Si Paolo ang naging prinsipe, anak siya ni Jason Alexander, Whoopi Goldberg, na umibig naman sa international pop sensation na si Brandy. Fairy-godmother naman si Whitney Houston rito. Si Bernadette Peters naman ang wicked-stepmother.

Kamakailan lang ay nasa bansa si Paolo Montalban para magbakasyon. Nakagawa siya ng isang movie sa Star Cinema, ang American Adobo na tinangkilik naman ng publiko. Follow-up movie nito ang The Great Raid with Cesar Montano na kinunan pa sa Australia.

Sa panayam ko sa kanya sa SOP, sinabi nitong balak siyang kunin ng ABS-CBN pero hindi siya kaagad pumayag dahil exclusive contract ang offer sa kanya ng Dos.

Besides, nag-alok din ang Kapuso sa kanya pero kaagad namang sinabi nito na mas mainam ang open relationship between ABS-CBN and GMA.

Freelancing is better than being an exclusive contract star for either networks. Plus, napakarami pa rin niyang naiwanang commitment pa sa US. Narito lang siya just for vacation. — BAC

Show comments