Gary V at Martin Nievera guest ni Vina Morales

Sa Sabado na, Oktubre 26 ang pinaka-unang major concert ni Vina Morales na pinamagatang Vina: Revealed! Ito’y magaganap sa Folk Arts Theater sa ganap na 8:00 ng gabi. Makakasama niya bilang mga panauhin ang dalawa sa pinakamagaling at pinakasikat na performers sa ngayon na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Concert King Martin Nievera. May special number din ang Powerboys na talaga namang pakikiligin kayo. Siguradong Masisiyahan kayo sa birthday concert ni Vina at join na kayo sa all-out party. Ang mga tickets ay nagkakahalaga lamang ng P50, P100, P200, P300 & P600 at mabibili sa Ticketworld outlets sa lahat ng National Bookstore branches (891-5610), Tower Records Makati at Alabang, CCP Ticketron (551-6902) at Maxi-Media office (551-8999/551 7777). Ang Vina: Revealed! ay production ng Maxi-Media International at hatid ng Talk n’ Text at New Creamsilk Leave-On Hair Moisturizer. Kasama rin ang Nescafe 3 in 1 Complete Coffee Mix, Skygo at Farlin Baby Care Products at ang mga sumusunod na media partners: The Philippine Star, 93.9 FM, Mellow Touch 94.7 at 105.1 Crossover.

Show comments