Aubrey Miles, hindi nakaligtas kay Bong

Hindi nakaligtas sa paningin ni Bong Revilla si Aubrey Miles nang minsang mag-guest ang sexy actress sa Idol Ko si Kap. Pero agad nag-react si Bong. Hindi raw dapat siya iniintriga kung tumingin man siya sa iba. Totoo raw naman kasing humanga siya sa kakaibang ganda ni Aubrey. Natural lang daw na humanga sa isang katulad ni Aubrey.

Pero hindi pa napapalabas ang episode na guest si Aubrey.

First time lang lumabas sa comedy show ang sexy actress na inilunsad kamakailan sa Prosti ng Regal Films. Nag-enjoy siya at hindi nahirapang mag-adjust kahit na nag-drama siya sa Prosti. "Mahirap na madali. Okey lang. Very supportive naman sila Bong at iba pa niyang kasama sa Idol," sabi niya.

Ngayon, abala si Aubrey sa shooting ng follow up movie niya, Una at Huli kasama si Richard Gomez.

Show comments