_ngayon
^

Onemig, tumanggi sa role ng bakla!

() - August 1, 2002 - 12:00am
Ipinagdidiinan ni Tita Angge aka Cornelia Lee na hindi si Onemig Bondoc ang ama ng ipinagbubuntis ng ramp model turned comedienne actress na si Wilma Doesnt.

Isa sa mga model si Wilma sa nakaraang Bench show sa Araneta Coliseum at dito niya ibinuyangyang ang kanyang tiyan na may lamang dalawang buwan na baby. Ayaw niyang ibunyag kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis at mga ngiti na lamang ang isinasagot sa mga nagtatanong.

Ayon sa pangyayari, maraming nag-iisip na si Onemig daw talaga ang ama ng ipinagbubuntis ni Wilma at na-conceive ito noong nagkaroon ng taping ang Maalaala Mo Kaya sa Cebu na ang mga bida ay sina Vina Morales, Wilma Doesnt at Onemig Bondoc.

May nagbiro pa, "Paano naman kasi, walang ginawa si Onemig sa buong istorya kundi ang mag-trunks. Siguro, nagkaroon ng pagnanasa ang Wilma. Maldita ’yan eh!" na sinabayan ng tawanan ng mga nakarinig sa pabirong linya ng katabi namin.

Ang totoo dito ayon kay Tita Angge ay may syotang modelo si Wilma na isang German at ito ang itinuturo ng talent manager na ama ng ipinagbubuntis ng komedyanteng aktres.

Sa isang panayam kamakailan kay Onemig, itinatanggi nito ang naturang balita at kailan man ay di niya kayang gawin ang naturang akusasyon dahil ayaw nitong masira ang kanyang imahe sa publiko lalo na, isa siyang tagapagtaguyod ng isang programa sa gobyerno para sa kabataan.

Katunayan, tinanggihan nito ang isang pelikulang kailangan niyang mag-bakla at makipag-halikan sa kapwa lalaki. Alam nitong malaking hakbang ito sa kanyang pagka-aktor patungo sa pagkilala sa kanya bilang magaling na alagad ng sining pero nanaig pa rin sa kanya ang kanyang tungkulin na ipinagkatiwala sa kanya ng ating gobyerno. (Ulat ni AD)
ALAM ARANETA COLISEUM CORNELIA LEE MAALAALA MO KAYA ONEMIG ONEMIG BONDOC TITA ANGGE VINA MORALES WILMA WILMA DOESNT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with