"Actually, hindi ako nagsayaw. Nag-tumbling ako at nag-acrobat. Yung pagsasayaw ay napag-aralan ko lang ng unti-unti," aniya.
"Yun namang pag-arte ay kasama na ng pagsasayaw. Para rin kaming umaarte kapag nagsasayaw, meron nga lamang music. Napasama ang grupo namin sa pelikulang Istokwa. Dun ako nakita ni Direk Marilou (Diaz Abaya) at isinama niya ako sa Jose Rizal. Pagkatapos ay sa Muro Ami which I consider my biggest break.
"Hindi ako nag-workshop nung una pero, magaling na teacher si Direk Marilou at magaling naman akong makinig. Natuto akong umarte ng galing sa puso," patuloy niya.
His stint with the good director afforded him the chance para makilala ng marami pang producer at direktor. Ang Spirit Warrior 2 na naging isang boxoffice hit nung una itong ipalabas sa MMFF ay isang sequel, sa direksyon pang muli ni Chito Roño.
"Mas maganda ang istorya nito at effects. Lilima lamang kami dito (Spencer Reyes, Jhong, Vhong Navarro, Cris Cruz at Danilo Barrios), dahil yung tatlo naming mga kasama (Meynard Marcellano, Nico Manalo at Sherwin Roux) ay nasa kanilang stint pa ng Miss Saigon pero gagawan ni direk ng paraan para maipaliwanag ang kanilang pagkawala sa pamamagitan ng VTR-MTV," imporma ni Jhong na isa rin sa powerhouse cast ng bagong teleserye ng ABS- CBN, ang Kay Tagal Kang Hinintay topbillled by Miss Lorna Tolentino.
"Sinadya naming dito maglagay ng branch dahil marami na kaming kliyente na mga taga-pelikula at TV. Dahil dito mas lumawak pa ang aming clientelle," ani Pin Antonio, ang Artistic Director ng nasabing salon.
Dahilan sa walang pagkapigil ng paglaki ng Salon de Manila na unti-unti nang nakikilala sa kanilang distinct look na ginagawa sa mga celebrities, patuloy si Pin sa pagbibigay ng mga training session para sa kanyang napakaraming staff. Sa kanila niya ibinabahagi ang mga natutunan niya sa mga iskwela sa abroad. Ginagamit na rin niya ang okasyon para ipakilala sa kanila ang mga cosmetique lines na ipakikilala nila sa kanilang mga parukyano. Isa na rito ang Davines na mula sa Italy. "Magagaling na produkto ito," aniya.
Ang Salon de Manila ay mayroon nang limang branches: Salcedo Village na pinamumunuan ni Gary Lumapas; Legaspi Branch na nasa pamamahala ni Jomar Enacaban; Blueridge na si Ellen Gerapusco ang tumitingin; Banawe Branch na ang head ay si Teresita Datu at ang Morato Branch ni Ross Pilotin.