Anak ni Cherry Pie, ipinangalan sa 2 santo

"Jose Antonio ang name ng aking baby boy. Kinuha ko ito sa dalawa kong saints, Saint Joseph and Saint Anthony," pahayag ng bagong ina na si Cherry Pie Picache.

Nagsilang ang magaling na character actress noong Abril 28 at ang timbang ng kanyang baby ay 6.2 lbs. At sa pakiusap ng aktres ay huwag nang pag-usapan kung sino ang ama ng sanggol dahil hindi taga-showbiz ito. Hangga’t maaari ay huwag nang halungkatin ang tungkol sa ama ng bata dahil pribadong tao ito na mas gugustuhin ang katahimikan.

Samantala, ngayon lang napagtanto ng magaling na aktres na ganoon pala ang nararamdaman ng isang babaing nanganganak. "Kulang pala ang emosyong naibibigay ko sa papel ng isang mom. Kung bibigyan ako ng isang role na required akong manganak, alam ko na ngayon ang totoong emosyon na ibibigay ko dahil naramdaman ko na ito."

Sa ngayon, mas nanaisin ni Cherry Pie na hindi maging artista ang kanyang anak. "Basta susuportahan ko siya sa anumang gusto niya sa buhay, I’ll let him go. Gusto niyang mag-artista, sige pero I’m just around to guide him." Alex Datu

Show comments