P5,000 presyo ng aktor
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - February 7, 2002 - 12:00am
Minsan ay namasyal ang isang bading sa isang mall somewhere in Metro Manila. Di sinasadyang nakita niya roon ang isang guwapo at sikat na sexy actor na waring may hinihintay. Nilapitan niya ito at dahil mabait naman ang aktor ay nakipagkwentuhan ito sa kanya.

Niyaya ng bading ang aktor na kumain sila. Pagkatapos ay tumawag sila sa isang otel na kung saan ay lumigaya ang bading sa piling ng sexy actor. Binigyan ng bading ng P5,000 ang aktor na aniya ay napakagaling sa kama at mabango pa.

Ang sikat na sexy actor na in-demand pa rin ngayon sa paggawa ng pelikula. Paminsan-minsan ay lumalabas pa rin ito sa telebisyon at ngayon ay isa nang freelancer.
Jolina, Humahataw Pa Rin!
Bago umalis ng bansa si Jolina Magdangal ay kabado siya dahil hindi niya alam kung ano ang magiging resulta sa takilya ng kanyang pelikulang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip. Sabi nga niya ay magkaibigan silang malapit ni Judy Ann Santos at sana’y hindi raw pinagtapat ang kanilang pelikula.

Inalam ng kanyang nakatatandang kapatid kung ano ang naging box-office result ng movie ni Jolina sa takilya lalo na noong opening day kaya tumawag sa akin. Ipinarating ko ang katanungan sa aming booker na si Susan Ramirez ng Solar Films at kumpirmadong nanguna sa takilya si Jolens. Pareho namang malapit sa amin ang dalawa kaya lang kapag ikumpara ang dalawa ay mauungusan pa rin ni Jolens si Juday dahil magaling ang huli sa drama samantalang hindi lang maaasahan sa akting si Jolina kundi gayundin sa pagsayaw at pag-awit. Pagdating sa promosyon ay may bentahe pa rin ang Star Cinema kung ikukumpara sa Starlight Films.

Masayang-masaya ngayon sa kanyang paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng Amerika si Jolens para sa ilang concert dahil sa tinamong tagumpay ng kanyang pelikula.
Jo, Magiging International Star Na
Masaya si Jo Canonizado dahil maipapalabas na ang pelikulang The Hustler sa Japan at sa iba pang panig ng Asya. Biniro namin siya na makikilala na siya bilang leading lady ni Jacky Woo. Isa sa pangunahing dahilan kung bakit tinanggap nila ng manager niya na si Daddy Wowie ang movie ay dahil noon pa ay pangarap na ni Jo na maging international star. Bukod dito, maganda ang bayad sa kanya ni Jacky.

Loveless ngayon ang dalaga matapos makipaghiwalay sa kanyang non-showbiz na nobyo kaya naka-concentrate siya sa kanyang career at negosyo. Tamang-tama ang movie niyang The Hustler dahil sa tunay na buhay ay magaling siyang maglaro ng bilyar. Mayroon siyang negosyong Best Win Billiard sa may Sta. Mesa.

Gumaganda ang career ni Jo ngayon. May non-exclusive contract siya ng MMG Films.
Kambal Nina Zoren-Mina, Di Pa Nabibinyagan
Wala nang mahihiling pa sa kanilang buhay sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Masaya ang kanilang relasyon sa piling ng kanilang kambal na hindi pa nabibinyagan dahil ayon kay Zoren, kailangan sa binyag ang pananampalataya. Hindi pa marunong magdasal ang mga bata kaya kapag nagkaisip na ay saka lang sila mabibinyagan. Gusto rin ng aktor na malayang makapamili ang mga anak ng relihiyon na gusto nila.

Very proud si Zoren sa kambal dahil lumalaki silang matalino. Gusto niyang maibigay sa mga ito ang isang magandang kinabukasan at magandang edukasyon. Good provider naman ang aktor kaya naibibigay ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Kabi-kabila ang TV guesting niya bukod pa sa pagiging mainstay ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Assunta, Di Nanulot Ng Projects
Nilinaw ni Assunta de Rossi na hindi niya sinulot ang project na nakalaan para kay Rica Peralejo na pagtatambalan nila ni Bong Revilla. Ayon sa magandang aktres, hindi niya alam na unang inalok ang movie kay Rica. May nagsasabing kaya kinuha ni Bong si Assunta ay dahil nanalo itong best actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Ipinaliwanag din ni Assunta na matagal na palang nag-usap ang kanyang manager at si Bong bago pa siya tumanggap ng best actress trophy.

Halos lahat yata ngayon ng kompanya ay gustong makuha ang serbisyo ni Assunta. Kahit ang Solar Films ay interesado din dito para makapareha niya si Cesar Montano sa binabalak nilang proyekto.

ASSUNTA CENTER DAHIL JOLENS JOLINA KANYANG NIYA SOLAR FILMS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with