Leandro, type si Jolina
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - September 2, 2001 - 12:00am
Very vocal sa pagsasabi si Leandro Muñoz na may crush siya kay Jolina Magdangal.

Lalong nadagdagan ang paghanga niya dito nang magkatambal sila sa Kung Ikaw ay Isang Panaginip dahil marami siyang natuklasang magagandang katangian ni Jolens sa likod ng kamera.

First time na makapareha ni Leandro si Jolens at nage-enjoy siya kapag kasama ito.

Hindi kaya may mamuong relasyon sa dalawa dahil hanga din si Jolens sa kanyang kapareha?

Bukod sa guwapo ay propesyonal pa rin ito ayon pa sa magaling na singer-actress.
Beth, sasabak sa aksyon
Excited na si Beth Tamayo dahil sa unang pagkakataon ay sasabak siya sa maaksyong eksena na ala-Charlie’s Angels ang dating. Siya ang bida sa pelikulang Bay Angels kasama si Allona Amor at kasalukuyan silang nagsusyuting sa Maynila at Cebu.

Ayon sa magandang aktres, nag-aral pa siya ng martial arts gaya ng judo at karate na gagamitin sa pakikipaglaban sa mga kaaway. Nagkaroon nga siya ng mga galos sa katawan noong first shooting day dahil sa pakikipagbakbakan sa mga goons.

Maswerte ang taong ito kay Beth dahil bukod sa pagiging regular mainstay ng Tabing-Ilog at Tropang Pinoy ay sunud-sunod ang pelikulang ginagawa niya. Magsusyuting pa rin siya ng Basagan Ang Mukha under MMG Films katambal si Ronald Gan.

Naikwento ng aktres na naghiwalay sila pansamantala ni Mayor Tining Martinez ng Bogo, Cebu pero hindi pa natatapos ang buwan ng Hulyo ay nagkabalikan uli sila. Pinadalhan siya ng bulaklak ng mayor at sinabing mahal siya nito. Ang dahilan ng kanilang tampuhan na humantong sa paghihiwalay noon ay ang sobrang kaabalahan ni Tining sa kanyang trabaho kung saan nakalimot na ito ng pagtawag sa kanya.

Sa September 16 ay isiselebreyt ng dalawa ang kanilang second anniversary. Gustuhin man ni Beth na lumagay na sila sa tahimik ay hindi pa rin pwede dahil baka eight years from now pa bago sila tuluyang magpakasal. Hihintayin pa yata ni Tining na matapos ang kanyang term sa pagka-mayor at balak pa nitong tumakbong congressman. By that time ay 28 years old na si Beth at 32 naman ang nobyong mayor.

Graduate na si Beth ng Mass Communication at inalok nga noon na maging newscaster with monthly salary of P30,000 kaya lang malilimitahan na ang paglabas niya sa pelikula gayung doon siya kumikita. Masipag si Beth at katunayan ay malapit nang matapos ang hinuhulugan niyang lote sa Cavite at ang condo unit na tinitirhan nilang mag-ina.
Vice-Mayor Bistek, Balik-showbiz
Kung kailan pa nahalal na bise-alkalde si Herbert Bautista ay saka naman siya nagbabalik-showbiz. Balitang kasama siya sa cast ng bagong sitcom ni Maricel Soriano na pinamagatang Mary, Da Potter na siyang kapalit ng mawawalang Kaya ni Mister, Kaya ni Misis.

Bukod kay Herbert ay kasama pa rin nila si Serena Dalrymple. Nagkasama na noon sina Bistek at Marya sa Kaluskos Musmos. Kaya ang bagong sitcom na ito ang magsisilbing reunion sa kanilang tatlo.

ALLONA AMOR BASAGAN ANG MUKHA BAY ANGELS BETH BETH TAMAYO BUKOD JOLENS KAYA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with