Loveteam of the New Millenium

Pinakabagong tambalang klik sa masa ngayon ang "Loveteam of the Millennium" nina Stefano Mori at Abigail Cruz. Tampok sila sa programang G-Mik ng ABS-CBN Channel 2 na napapanood tuwing Sabado ng hapon.

Mula nu’ng mapanood ng televiewers ang team-up ng dalawa sa nabanggit na youth oriented show ay marami na ang nagkagusto sa kanila.

At mismong ang mga taga-Talent Center/ABS-CBN ay nagulat sa magandang pagtanggap ng manonood sa tambalan nina Stef at Abbi.

Naka-relate sila sa mga eksenang pumukaw sa kanilang kiliti ika nga. Kaya naman hindi kataka-takang nag-number two sa ratings ang episode nina Abbi at Stef sa lumabas na survey kamakailan para sa Gimik nga.

Kaya naman kaabang-abang ang mga mangyayari pang eksena ng dalawa sa mga susunod na pagpapalabas nang nasabing TV show.

Dahil sa tambalang Stefano at Abigail ay tuluyan nang makakalimutan ng tao ang Stefano & Camille Prats loveteam. Ang bagong tambalang iibigin at mamahalin ay sinasabing maaaring maging katulad ng mga sikat na tambalang Guy & Pip, Sharon & Gabby, William & Maricel at Judy Ann & Wowie.

Pero magkainlaban din kaya sina Stefano at Abigail sa totoong buhay? ‘Yun ang dapat na abangan ng kanilang mga tagasubaybay.

Show comments