Shaina tumanggi sa maraming shows mawawala pala sa bagong teleserye

Nawala si Shaina Magdayao sa teleseryeng Sa Dulo ng Walang Hanggan dahil bahagi siya ng nakaraan. Tatanggalin na kasi ang past sa istorya at nagkataong wala sa present ang batang aktres.

Nalulungkot nga siya dahil tinanggihan niya ang maraming shows in favor ng nasabing teleserye. Nawala na rin ang Marinella kung saan isa siya sa bida.

Pero mawala man si Shaina sa telebisyon, marami naman siyang out-of-town shows. Nakakapagbakasyon na rin siya ngayon at nakakasama nang matagal ang kanyang mommy at daddy pati ang mga pamangkin.

Marami ring nago-offer sa young actress para gumawa ng pelikula sa ibang mga kompanya kaya lang prayoridad pa rin niya ang ABS-CBN.

Show comments