Kristo sa Semana Santa

Sa Holy Week ay muling itatanghal ang isang higanteng pelikula na tinatampukan ng mga malalaki at de-kalibreng mga bituin ng pelikulang lokal. Ito ay ang Kristo na pinangungunahan ni Mat Ranillo III bilang Jesus Christ.

Ang pelikulang Kristo ay umani ng malaking tagumpay at karangalan hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa international market. Tampok sina Gabby Concepcion sa papel ni John the Baptist, Ricky Davao bilang si Barabbas, Aga Muhlach as the Possessed, Amy Austria na siyang lalabas na Mary Magdalene, Tonton Gutierrez as Lazarus, Christopher de Leon as Dimas, Gardo Versoza as Hestas, Lorna Tolentino as Veronica at Rudy Fernandez bilang Simon of Cyrene.

Bukod sa mga nabanggit ay may espesyal na partisipasyon din sina Daniel Fernando, Patrick dela Rosa, Ruel Vernal, Jorge Estregan, Conrad Poe, Edgar Mande, Paquito Diaz, Romy Diaz, Dante Rivero, Efren Reyes, Alan Paule, Dinky Doo, Jr., Berting Labra, Shiela Israel, Rachel Lobangco, Suzette Ranillo, Marita Zobel at marami pang iba.

Prodyus ito ng Oasis of Love Community at Cine Suerte Inc. Release ng Atlantic Films ni Ramon Lee. Binigyang buhay mula sa direksiyon ni Ben G. Yalung. Inaasahan na dudumugin ito ng libo-libong manonood. Bing P. Santos

Show comments