Ang pagbabalik ni Cruella

Mula sa Walt Disney Pictures ay isa na namang comedy, fantasy at fun-filled adventure–ang 102 Dalmatians, sequel sa 1996 box-office blockbuster, 101 Dalmatians. Dito sa bagong kuwento, nakalaya na sa kulungan si Cruella de Vil (Glenn Close) at pangako niya’y hindi na siya gagamit o magsusuot ng fur kahit kailanman. Ngunit di katagalan ay nagpaplano na naman siya ng paraan upang makamit ang kanyang pangarap–ang ultimate Dalmatian coat na mula sa balat ng 102 Dalmatian puppies. Isa sa 101 Dalmatians na balak niyang hulihin ay si Oddball, isang puting-puti na tutang Dalmatian. Isang Walt Disney Pictures film na ipinamamahagi ng Buena Vista International, ang 102 Dalmatians ay malapit nang mapanood sa mga sinehan. Abangan!

Show comments