The Great Jubilee Album

Ang Jubilee fever ay mararamdaman hindi lang sa mga simbahan kundi pati na rin sa daigdig ng musika. Ang Harmony Music, ang bagong tatag na OPM division ng Alpha Records ay nag-release ng kanilang contribution sa pamamagitan ng isang sentiments-laden album na pinamagatang "The Great Jubilee Album," isang koleksyon ng mga celebration songs at church hymns na inawit ng studio’s current bestsellers.

Ang nasabing album ay pinangungunahan ng Jubilee prayer to the Most Holy Trinity na sinundan ng mga nakakaantig na renditions mula kina Rica Peralejo ("Tanging Yaman"), Paula Peralejo ("Awit ng Dakilang Jubileo"), Aegis ("Hesus" at "Sino Ako") at marami pang iba.

Ang "The Great Jubilee Album" ay nagtatampok din sa mga awiting "Tell The World of His Love" (Melija), "Ang Panginoon Ang Aking Pastol" (Din-Din Llarena), "Sumasamba, Sumasamo" (Cecillian Choir of EDSA Shrine), "O Sacred Heart O Love Divine" (Melija) at "One Little Candle" (Nina Gerado).

Ang kaibahan ng album na ito sa ibang Jubilee album ay ang taglay nitong simplicity at noble intention. Ang focus na napapaimbulog sa album na ito ay nasa awitin at hindi sa kumanta.

Ang Jubilee celebration ay hindi celebration ng mga stars. Ito ay celebration ng ating Panginoong Hesukristo, ang nag-iisang superstar in 2000 years. Hayaan nating ang mga awitin na napapaloob sa "The Great Jubilee Album" ng Harmony Music, ang makatulong sa atin sa paghanap sa true meaning ng ating Hesukristo sa pagtira sa ating mga puso sa pamamagitan ng musika.

Show comments