May album si Ariel

Mayroon nang Pamasko si Ariel Rivera sa kanyang mga fans. Ito ay isang bagong album na pinamagatang "Greatest Hits" na inilabas ng BMG Records (Pilipinas), Inc.

Tampok dito ang mga paboritong awitin ni Ariel gaya ng "Simple Lang," "Wala Kang Katulad," "Sana Kahit Minsan," "Ayoko Na Sana" at marami pa.

May bagong awitin din dito - ang "Maaari Ba?" at ang carrier single na "Habang Buhay Ay Ikaw".

Ngayong Linggo Dis. 3, nasa Metropolis Alabang Mall siya.

Show comments