Aegis, nag-walk-out, nanutok !

Hindi ko tiyak kung sino ang dinayo ng maraming manonood nung gabi ng Huwebes sa Kampo-ang nagpa-show ba na sina Yam Ledesma at Hanna Villame o ang Aegis na naka-schedule na mag-perform nang gabi ring yun pagkatapos ng concert ng dalawang concert newcomer at host ng bagong noontime show ng Channel 13 na Lunchbreak. Ang alam ko lahat ng pumasok ng Kampo ay may dala-dalang tiket para sa concert. Katunayan, marami pa nga ang nagreklamo at nagtangkang magsoli ng tiket sapagkat, wala silang maupuan. SRO talaga ang lugar.

The popular Aegis was supposed to go on stage at 12:00 midnight. Unfortunately, ayaw pang bitawan ng mga tao sina Hanna at Yam. Enjoy pa sila sa pagkanta ng dalawa na sinasabayan ng sayaw ng mga manonood sa dancefloor. Halos wala nang makanta ang dalawa. Yung repertoire nila ay na-exhaust nang lahat pero walang gustong lubayan sila. Hanggang sa stage ay may umakyat para magsayaw.

Eksaktong 10 minutes after 12:00 nang mag-pasyang mag-walk-out ang Aegis. Mukha silang galit o inis sapagkat nakuha na nina Yam at Hanna ang 10 minuto na nakalaan para sa kanilang palabas. Another ten minutes later, natapos formally ang concert. We decided to stay on para mapakinggan ang Aegis pero sinabihan kami na umalis na sila, nag-walk-out. Nagagalit! In fact sa galit nila ay sinuntok daw ng kanilang manager ang manager ng Kampo. Ganun?!

Ganun na ba kayabang ang Aegis? Ano ang 20 minutes na kinain ng dalawang baguhang pangalan na nag-concert? Hindi naman umalis ang mga tao. Dapat nga nagpasalamat sila sapagkat mas dumami ang manonood sa kanila dahilan sa maraming bumili ng tiket para sa concert. Wala namang nawala sa kanila kundi 20 minutes lamang. Sikat na sila. They could have been magnanimous. O baka naman they felt na masyado na silang malaki para papaghintayin ng dalawang baguhang concert artists.

Ganun?
*****
Sa hirap ng buhay ngayon, dapat tayong may kakaunting kakayahan para tumulong at maging bukas-palad na maibahagi ang kahit kakaunti nating makakayanan para sa mga kapuspalad nating mga kapatid.

Lalo na kung Pasko na nagtitipon-tipon ang mga pamilya at ang mga magkakaibigan ay nagkakasiyahan at sa mga pagkakataong ganito, huwag nating kalilimutan na hindi magiging kumpleto ang ating kasiyahan at hindi natin mapapaligaya ang Panginoon sa kanyang kaarawan kung may mga nilikha siya na walang kakayahan na maging masaya.

It is with this intention that the Kabataan Foundation, isang organization na itinatag para sa kapakanan ng mga kabataan, para maituro sa kanila ang kahalagahan ng family values sa pamamagitan ng kanilang proyektong "Balik Pamilya." Layunin ng foundation na makagawa ng mga value-formation oriented projects to enhance family life sa pamamagitan ng entertainment o media venues, with the objective of reducing the number of children led asstray and bring them back to the fold of the family.

Magbibigay ng serbisyong advice and counselling ang foundation sa pamamagitan ng internet. Maglalabas din ito ng newsletter na naglalaman ng mga aktibidad ang pwedeng salihan ng mga kabataan.

To launch the "Balik Pamilya" para sa Kabataan Foundation, isang musical variety show ang magaganap sa Sabado, Disyembre 16, 9:00 ng gabi sa PICC Plenary Hall, CCP Complex na tatampukan ng grupong Mulatto, nina Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Cris Castro, isang magician at Philip Lazaro. Bago ito ay magkakaroon ng isang Banal na Misa ng pasasalamat sa ika-7:00 n.g.
*****
Napaka-galante naman pala nitong si Anna Dizon.

Kagagaling pa lamang niya mula sa isang world tour pero, eto at nagbabalak na naman siyang maglakbay muli sa Europa kasama ang pamilya ng kanyang mahal na si Lloyd Lazo.

Lalo na sa sister nito na si Stella Lazo at sa husband nitong si Mr. Furyday Diongson.

Pupunta sila sa isang villa sa Switzerland na kung saan ay maraming fans si Anna. Babalik din sila ng Holland na kung saan ay may kuha siya with a celebrity cow.

Show comments