Startalk limang taon na !

Limang taon na ang paborito ninyong programa. Sa kanilang Anniversary Special ngayong Sabado, maraming pampagana ang hatid sa inyo ng "pambansang pampaganang" si Osang, kasama siyempre si Butch Francisco at Nanay Lolit Solis.

Iinterbyuhin ni Boy Abunda sina Osang, Butch at Lolit (oo, si Boy Abunda!). Marami ring makikisalo sa kasiyahan tulad nina PNP Chief Panfilo Lacson, Gary Valenciano at ang kanyang anak na si Kiana Valenciano, Maricel Soriano, Edu Manzano, Angelu de Leon, Vic Sotto, Lea Salonga at marami pang iba.

Gagantimpalaan din ng Startalk ang limang napili nilang Best Dressed Women na sina Lorna Tolentino, Gydel Mercado, Stella Ruiz, Angel Aquino at Caridad Sanchez.

Yan at marami pang ibang nakakalokang sorpresa ang handog ng Startalk sa inyo sa kanilang Fifth Anniversary Special: Startalk V. Mapapanood ang Startalk tuwing Sabado, 2:30 ng hapon sa GMA.

Show comments