Hindi na kami tinitingnan ngayon na mga pinabili lamang ng suka at pagbalik ay movie reporter na bagaman at everytime na maimbita akong magsalita sa mga iskwela, notably sa mga journalism classes, buong pagmamalaki kong sinasabi na marami sa mga entertainment writers o movie journalists ang pinag-aral muna ng kanilang mga magulang bago sila nasabak sa trabahong ito. At marami sa kanila ang hindi bumibili ng suka, nagpapabili ng suka, oo.
Ako, for one, ay may journalism degree from UST’s College of Philosophy and Letters. Marami kaming alumni dito–Ethel Ramos, Nards & Cris Belen, Gil Portes, Bernardo Bernardo, to name a few. May mga tapos ng law, accounting, may mga titser pero mas nakakarami ang nakatapos ng Masscom o ComArts.
Si Manay Ethel Ramos na patuloy pa ring nagmi-maintain ng columns sa ilang malaganap na babasahin ay isa nang matagumpay na talent manager, handling the careers of Aga Muhlach, Charlene Gonzales and Loren Legarda. Si Jun Nardo ay isa nang matagumpay na show producer and talent manager din. Si Ricky Lo ay nagagawang pagsabayin ang kanyang pagiging entertainment editor at correspondent ng The Buzz. Gano’n din si Aster Amoyo na hawak ang Millennium Cinema at Octo-Arts at isa ring radio announcer at TV showbiz correspondent.
TV host na rin si Lolit Solis at matagumpay na talent manager nina Lorna Tolentino, Rosanna Roces, Gladys Reyes at marami pa. Ang medyo baguhan pa sa pagiging movie journalist/movie critic na si Dino Erece ay writer ng May Bukas Pa at Subic Bay. Si Jeffrey Gamil ay segment host ng Beauty School Plus. Si Rey Pumaloy ay isa sa taltong host ng S-Files. Nag-aartista pa rin siya. Gaya rin ni Ogie Diaz.
Si Portia Ilagan is doing PR for both Sen Ramon and Gov. Bong Revilla
Tatlo ang nabigyan ng pagkakataong makapagdirek ng pelikula. Nauna na si Ces Evangelista, editor ng The Insider. Susunod na si Joven Tan, isa ring editor/writer.
Pinaka-latest na nabigyan ng ibang trabaho bukod pa sa pagiging movie editor niya ng People’s Journal ay ang katotong si Eugene Asis.
Nagsimula siya bilang assistant director at matapos ang isang pelikula ngayon ay full-fledged movie director ng Onsehan, featuring Carlos Morales and Maricar de Mesa. Bago ito ay naging co-host sila ni Jun Nardo ng isang showbiz-oriented show na prodyus ni Inday Badiday.
Hindi ouido ang pagdi-direk ni Eugene. Nag-train siya sa isang dalubhasa, kay Celso Ad Castillo. At marahil ay maganda ang kanyang trabaho sapagkat binati siya ng beteranong si Maning Borlaza matapos na maipa-censor niya ang kanyang pelikula sa MTRCB. Marami ring offer sa kanyang directorial jobs si Lily Monteverde ng Regal Entertainment pero, pinag-iisipan pa niya. Kumakain pa rin ng oras niya ang pagiging entertainment editor niya.
Kung ang marami pang kasamahan sa hanapbuhay ang mabibigyan din ng pagkakataon na tulad sa mga tinanggap ng mga binanggit kong colleagues, hindi magtatagal at sisikip na rin ang mundo ng entertainment writing na tulad ng mga propesyong nursing, secretarial at commerce.
"Gusto ko na talagang sumikat bilang artista at sa nakita kong kalakaran, ito ang pinaka-madaling paraan para makilala," aniya.
Ngayon, halos araw-araw ay nasa diyaryo siya di tulad nun na madalang pa sa patak ng ulan ang mga nasusulat sa kanya. Ang naging disadvantage lamang ng kasalukuyan niyang status bilang artista ay ang naging break-up nila ng boyfriend niyang doktor. Hindi nito tinanggap nang maganda ang desisyon niyang mag-bold.
Ngayon ay isang malaking aktor ang kapareha niya, si Gob Lito Lapid sa Huwag Mong Ubusin ang Bait Ko.
"Dream come true ito para sa akin. Sa limang leading men na gusto kong makapareha, kasama si Gob. At nahalikan ko pa siya sa pelikula. Di ba, ayaw niya ng may kissing scene sa pelikula? Pero, sa pelikula namin, mayroon nito," pagmamalaki niya.
My maseselan din siyang eksena sa pelikula kasama si Gardo Versoza na siyang kontrabida ni Gob sa movie. "Napaka-salbahe niya sa movie. Talagang maiinis ka sa kanya pero behind the scenes, ang bait-bait naman niya."
Kasama pa rin sa movie sina Jackie Forster at Derek Dee.