Aiai, Mark Anthony, may dirty dancing

Maraming babae ang siguradong maiinggit kay Aiai delas Alas dahil makakapareha niya sa pagsasayaw ng dirty dancing sa kanyang birthday concert sa FAT sa Nobyembre 11, ang batang aktor na si Mark Anthony Fernandez .

Ikatlo na ito sa isang serye ng birthday concert ni Aiai. Ang unang dalawa na sa FAT din ginanap ay pinamagatang Respect Me 1 at Seduct Me! Parehong malaking hit ang naunang dalawang konsyerto at nagbigay sa kanya ng titulong Comedy Concert Queen.

Makakasama niya sa concert bukod kay Mark sina Ara Mina, Pops Fernandez, Bituin Escalante, Ogie Alcasid at Streetboys. Musical director si Beth Martin with script and stage direction by Floy Quintos Line producer ang Backroom.

Para sa mga katanungan tungkol sa concert na pinamagatang Abuse Me, maaaring tumawag sa 4351108/1120/1098 3808/9280717/9283121 at JLF 6344344 o 6347776.

Show comments