^

PSN Showbiz

"Huwag lang boobs ko ang panoorin n'yo" - Mylene

-
Waring naiirita na ang kontrobersyal na young actress na si Mylene Dizon tungkol sa paulit-ulit na lathalaing natutunghayan sa iba’t ibang babasahin kaugnay ng ginagampanan niyang papel sa Gatas: Sa Dibdib ng Kaaway.

Para daw sa boobs lang niya nakatuon ang pansin ng mga nag-aabang sa kontrobersyal na pelikula. Dahil dito, nagpahayag si Mylene sa mga top executives ng Crown Seven Ventures at Solar Films co-producers na sana raw ay pag-ukulan din ng pansin ang kanyang acting.

Nakausap ng ilang reporters si Tatus Aldana, isa sa mga executives ng Crown Seven na kahit daw ipinakita ni Mylene ang kanyang boobs, tiyak daw na mangingibabaw ang efforts nito na ipinakita sa pag-arte.

Ang tinutukoy na boobs ni Mylene ay ang ginawa niyang pagpapadede sa isang sanggol na talaga namang "ibinabad" ang eksenang ’yon na kung saan ay nakita ang kabuuan ng kanyang boobs.

Hindi lang ang pagpapadede ng sanggol ang makakatawag ng pansin sa mga moviegoers kundi pati ang pagpapadede niya sa kanyang leadingman na si Jomari Yllana.

"Ang eksena ring ’yon ang magbibigay-liwanag sa moviegoers kung bakit ginawa ang nasabing eksena," dugtong pa ni Mr. Aldana.

Ipinaliwanag ni Mr. Aldana na maraming nakapaloob na mensahe sa dalawang eksenang ’yong kung kaya tiniyak niya na hindi gaanong bibigyan ng malisya dahil nga sa mensaheng nakatago sa nasabing eksena.

Kaya naman nang tanungin ng mga reporters si Mylene tungkol sa eksena ’yon ay nakiusap siya na huwag namang ’yong boobs niya ang panoorin kundi ang kanyang acting sa January 4, 2001.

vuukle comment

CROWN SEVEN

CROWN SEVEN VENTURES

JOMARI YLLANA

MR. ALDANA

MYLENE

MYLENE DIZON

SA DIBDIB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with