Pedestrian, dedo sa 2 sakay ng motor

MANILA, Philippines — Isang pedestrian ang patay nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na kaagad na binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, tinutugis ng mga awtoridad ang mga ‘di pa kilalang salarin sa krimen.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong ala-1:15 ng madaling araw habang naglalakad patawid ang biktima nang bigla na lang sumulpot ang mga suspek at agad siyang pinagbabaril sa may East Meridian sa Brgy. San Isidro.

Nang matiyak na napuruhan ang target, mabilis nang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo at bitbit ang di pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Show comments