Top 2 ‘most wanted’ sa Region 3, timbog

Kinilala ang nahuling suspek na si Bernie Salazar Jr., 23-anyos, binata, isang construction worker na ipinaaresto ng korte dahil sa kaso nitong statutory rape, na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
STAR/File

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nadakip sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Nueva Ecija Police ang nakatalang top 2 most wanted person sa Gitnang Luzon makaraang hainan ng warrant of arrest ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa kanyang bahay sa Barangay Sinasajan, bayan ng Peñaranda, NE, noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nahuling suspek na si Bernie Salazar Jr., 23-anyos, binata, isang construction worker na ipinaaresto ng korte dahil sa kaso nitong statutory rape, na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Naaresto si Salazar Jr. bandang ala-1 ng Miyerkules ng hapon ng magkakasanib na puwersa ng Peñaranda Police, 303rd Maneuver Company RMFB3, Gapan PAAC, at ng 4th MP ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO).

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng presiding judge ng RTC Branch 35, Gapan City, noong Enero 11, 2024.

Ang aksusado na nasa kustodya ngayon ng Peñaranda Police ay nakatala bilang number 2 most wanted sa lalawigan ng Nueva Ecija, at number 1 most wanted sa bayan ng Peñaranda.

Show comments