Pedicab driver nahulog sa balon, patay

Nakalitaw ang dalawang paa habang nakalubog sa tubig ang ulo sa loob ng balon nang matagpuan ang biktima na kinilala lamang sa pangalang Alwin Calu, nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.
STAR/File

TABACO, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan ng kanyang mga kamag-anak ang isang pedicab driver matapos mahulog sa balon malapit sa kanilang bahay sa Purok-4, Brgy.San Roque ng lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Nakalitaw ang dalawang paa habang nakalubog sa tubig ang ulo sa loob ng balon nang matagpuan ang biktima na kinilala lamang sa pangalang Alwin Calu, nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng mga kapatid sa Tabaco City Police, uminom ang biktima noong gabi at posibleng gumising ng maaga para maligo sa balon at posibleng nadulas at una ang ulong nahulog sa balon.

Show comments