Raid nauwi sa shootout: Wanted sa robbery, todas

Patay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na nakilalang si alyas Kelly, 28-anyos, residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Nauwi sa habulan at palitan ng putok ang ikinasang pagsalakay ng pulisya laban sa isang wanted na robbery gang member makaraang manlaban na kanyang ikinamatay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Matingain I, Lemery, Batangas

Patay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na nakilalang si alyas Kelly, 28-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:15 ng gabi nang ilatag ng grupo ng District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni Police Major Jervies Soriano ang warrant of arrest laban sa suspek.

Bitbit ang nasabing warrant para sa dalawang kaso ng  “robbery” na inisyu ng Regional Trial Court Branch 161 at RTC Branch 268, pawang sa Pasig City, tinungo ng raiding team ang bahay ng suspek sa Brgy Matingan I, Lemery.

Gayunman, hindi pa man nakakalapit ang mga pulis sa bahay ng suspek ay sinalubong na umano sila ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa suspek na mabilis na tumakbo

Dito na nauwi sa palitan ng putok at habulan na tumagal din ng ilang minuto hanggang sa masukol at mapatay ang suspek.

Show comments