2 ‘most wanted’ sa Nueva Ecija, nalambat

CABANATUAN CITY, Philippines — Nadakip sa isinagawang magkahiwalay na police operations ang dalawang lalaki na kapwa “most wanted person” (MWP) sa lalawigan ng Nueva Ecija, kamakalawa.

Kinilala ni Police Col. Richard Caballero, Nueva Ecija Police provincial director, ang dalawang naaresto na sina Jennier Avila Ebuña, 29-anyos, ng Barangay San Gregorio, Santa Rosa, Nueva Ecija na nakatalang Top 6 Provincial MWP sa lalawigang ito; at si Dominador Cera Velasco, na Top 1 municipal MWP sa bayan ng Lupao.

Nabatid na si Ebuña ay may kasong paglabag sa RA 10883 o mas kilala sa The New Anti-Carnapping Act of 2016 na may inirekomendang piyansa na P300,000, habang si Velasco ay kasong RA 10883 o Acts of Lasciviousness, at may inirekomendang piyansa na P180,000.

Kapwa hindi na umano nakapalag ang dalawang suspek nang hainan sila ng warrant of arrest sa magkahiwalay na Manhunt Charlie operations ng Santa Rosa at Lupao Police.

Show comments