18-anyos ‘most wanted’ timbog sa Benguet

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang 18-anyos na lalaki na nakatalang top 1 most wanted person sa lungsod ng San Jose City, Nueva Ecija makaraang masukol ito ng warrant operatives ng San Jose City Police sa La Trinidad, Benguet, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng San Jose City Police ang naarestong suspek na si Lucas Bicuson Jr., binata, isang carrot washer ng Barangay Bitag, La Trinidad, Benguet.

Dinakip ang suspek bandang alas-9:50 ng umaga sa pinapasukan nitong trabaho saTrading Post, Barangay Pico, La Trinidad, Benguet, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38, San Jose City, Nueva Ecija para sa kasong rape by sexual intercourse sa ilalim ng criminal case No. 8078-2022-SJC na may recommended bail na P200,000.

Ayon sa San Jose City PNP, natanggap lang umano nila ang warrant laban sa suspek nitong January 26, 2024.

Show comments