Rider, pedestrian dedo sa road mishap

CAVITE, Philippines — Kapwa patay sa naganap na aksidente ang isang motorcycle rider at biktimang nasalpok nito sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa harap ng isang subdibisyon sa Brgy. Bayan Luma 7, Imus City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:55 ng umaga habang minamaneho ng rider na nakilala lang sa pangalang Cyril, nasa hustong gulang, residente ng Parkdale 2 Classic, Brgy. Anabu 1-A Imus City, Cavite, ang kaniyang Honda Airblade motorcycle na may plakang 374UKT at mabilis na bumabagtas sa nasabing lugar nang masalpok nito ang papatawid na biktima na nakilalang si Jose, nasa hustong gulang residente ng Bayan Luma 7, Imus City, Cavite.

Kapwa sumadsad ang biktima sa kalsada na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Show comments