Senior citizen, arestado sa 3 kasong rape

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang 61-anyos na lalaking wanted sa panggagahasa ng mga menor-de-edad at paggawa ng kalaswaan sa mga kababaihan makaraang maaresto sa Esperanza, Sultan Kudarat nitong Huwebes.

Kinumpirma nitong Biyernes ni Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, na nasa kustodiya na ng Esperanza Municipal Police Station ang wanted na si Emilliano Miranda Jr., naghihintay na lang na litisin sa mga korte.

Ang suspect, residente ng Barangay Poblacion sa Esperanza at nagpalipat-lipat ng mga taguan mula nang makasuhan sa mga korte ilang buwan na ang nakalipas, ay natunton ng mga kasapi ng Esperanza MPS sa Barangay Pamantingan ng naturang bayan.

Ayon kay Macaraeg, malaki ang naitulong ng mga local officials sa Esperanza sa paghanap kay Miranda sa iba’t ibang barangay na sakop nila.

Show comments