3 nakuryente habang nagtatayo ng lamp post

CAVITE, Philippines — Inoobserbahan sa pagamutan ang tatlong trabahador matapos silang makuryente habang gumagawa ng lamp post kamakalawa sa Mallorca Villas, Brgy. Maguyam, Silang, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Blas Pilones, 43, ng Brgy Casiles Carmona, Henson Fampula Hindap, 21, helper ng Purok 4, Brgy. Casiles, Carmona, at Kenneth Baluca, 29, helper ng Polo Trading Co. at residente ng Kabilang Baybay, Carmona.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan naggagawa ang mga biktima ng mga lamp post sa nasabing lugar.

Ino-operate ng biktimang si Pilones ang boom machine nang aksidenteng matamaan nito ang live electrical post dahilan upang tuluyang makuryente ang tatlo.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang mga biktima at kasalukuyan pa ring inoobserbahan.

Show comments